30 C
Leyte
Wednesday, September 11, 2024

Ang Probinsyano Party-List extends assistance

Umarangkada ang pamimigay ng tulong ng Ang Probinsyano Party-List sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya sa Surigao del Norte, Siargao at mga estudyante sa Laguna.
October 28 nang pangunahan ni Ang Probinsiyano Party-List Representative Alfred Delos Santos ang pamamahagi ng financial assistance sa 166 na benepisyaryo sa Dapa, Siargao. Ito’y sa pakikipagtulungan na rin nina Surigao del Norte 1st District Representative Francisco Jose “Bingo” Matugas II at Dapa Mayor Elizabeth Matugas.
Ayon kay Rep. Delos Santos, “Karamihan po sa mga nawalan ng trabaho ay apektado ng kawalan ng turismo at iba pang aktibidad sa Siargao.”
Nakipagpulong din si Delos Santos sa LGBT Group na UGAD (United Gays Association of DAPA) na pinangungunahan ni Kyle Gonzaga. Sabi ni Rep. Delos Santos, “Panahon na para tigilan ang diskriminasyong natatanggap ng members ng LGBTQ Community. Panahon na rin para maging open at tanggapin sila sa ating community.”
Kasabay ng pamamahagi ng tulong sa Siargao, 170 ka mag-aaral naman ng senior high school at kolehiyo ang binigyan din ng tulong ng ang Probinsyano Party-List sa San Pedro, Laguna. Pinuri ni Delos Santos ang mga magulang at kabataang walang tigil sa paghahanap ng paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng hirap na nararanasan ngayong may pandemya.
Isa sa mga nabigyan ng tulong ang Grade 12 student na si MC Gregore T. Santos. Ayon sa kanya, parehong hirap sa paghahanap ng trabaho ang kanyang mga magulang dahil sa pandemya. Kaya malaking bagay sa tulad niya ang ibinibigay na educational assistance ng Ang Probinsyano Party-List.
Nitong Setyembre ay binigyan din nila ng tulong ang mga nabiktima ng bagyong Jolina. Patuloy ang pamimigay ng tulong ng Ang Probinsyano Party-List sa mga ka-promdi mula norte hanggang Mindanao.
Ayon kay Delos Santos, nakatuon sila sa rural development. “Sa ngayon, marami pang proyektong nakalinya ang Ang Probinsyano Party-List para maisakatuparan ang layuning mapaangat ang kabuhayan ng mga Probinsyano lalo na iyong mga nasa malalayong probinsya.”

Related Articles

Trending Topics